Foreign education scholarships, isinusulong ni Sen. Angara
Maghahain ng panukala si Senator Sonny Angara na magiging daan para makapag-aral sa kolehiyo sa ibang bansa ang deserving high school graduates sa bansa.
Ayon kay Angara pinag-aaralan niya ang pagpapalawig ng sakop ng Senate Bill 961 o ang Pensionado Act, na kanyang inihain noong 18th Congress.
“Marami tayo na mga estudyanteng magagaling at matalino na may pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa ilang prestihiyoso na unibersidad sa ibang bansa. Subalit dahil sa sobrang taas ng halagang pera na kailangan para dito ay mas marami ang napipilitan na ibaon na lang sa limot ang oportunidad na ito,” sabi ng senador.
Binanggit niya na maituturing niya ang sarili na mapalad dahil nakapag-aral siya sa ibang bansa sa suporta ng kanyang mga magulang, ngunit hindi lahat ay makakaya ito kayat inihain niya ang Pensionado Act.
Diin niya, napakalawak ng karunungan na makukuha sa pag-aaral sa ibang bansa, lalo na sa mga sinasabing ‘specialized field of study’ tulad ng Math at Science.
Paliwanag niya, sa kanyang panukala, susuportahan ng gobyerno, sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED), ang pag-aaral sa ibang bansa ng mga mahuhusay na Filipino.
Sinabi pa nito na kada taon, 24 ang pipiliin para sa scholarship grants, tig-tatlo sa walong vital disciplines or areas of specialization na tutukuyin ng CHED.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.