‘Yes or No’, hinarap ng mga Presidential candidates

By Ricky Brozas April 24, 2016 - 10:32 PM

 

presidential debateNaging tampok din sa pinakahuling presidential debate 2016 ang fast talk o ang pagtugon ng ‘yes’ o ‘no’ sa mga tanong ng mga moderator ng debate.

Nang sumalang si Vice President Jejomar Binay,  ito ang kanyang naging tugon sa mga katanungan:

Kung ikaw ang naging presidente ipakukulong mo ba si Davao City Mayor Duterte? Bagaman nagpaliguy-ligoy sa simula ay  “no” rin ang naging tugon ni Binay.

Ipapa-impeach mo ba si Ombudsman Conchita Carpio Morales: “No” rin ang sagot ni Binay dahil gusto niya aniyang maging ‘healing at unifying president’.

“Yes” naman ang tugon nito sa tanong kung ipabubuwag niya ba ang mga private armies, at “yes” din sa tanong kung papayag siyang i-house arrest na lamang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

‘Depende’ naman ang sagot ni Binay kung papayagan niya ba ang pagpasok ng mga bagong minahan sa bansa.

Ito naman ang mga kasagutan ni Senadora Miriam Defensor-Santiago sakaling siya ang maging presidente:

Natalo niyo na ba ang kanser? Ang sagot nito ay ‘di niya masasabing natalo na kundi nahinto na. may mga cancer cells kasi aniya na hindi nakikita ng ‘naked eye’.

‘Yes’ naman ang tugon ni Santigao sa tanong kung irerekumenda ba niya ang clinical trial ng BFAD sa kanyang gamot sa kanser.

‘Never’ naman ang sagot nito sa medical marijuana, pero bukas umano siya para sa competent use nito sa bansa.

Tutol naman ang senadora sa pagbubukas ng mga bagong mining company at ‘yes’ ang sagot niya sa house arrest kay dating pangulong Arroyo.

Magandang ehemplo po ba kayo sa kabataan? ‘Yes’ ang kaagad na tugon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

“Finance Department” naman ang ibibigay niya sa isang babae na magiging miyembro ng kanyang gabinite sakaling siya ang mahalal na presidente.

Sa tanong kung sino ang kanyang campaign contributor, sinabi ni Duterte na nasa bukid at ang pangalan ay Emilio Aguinaldo.

Tinanong din ang alkalde kung ano ang kanyang campaign quotes. Ang tugon ni Duterte- “kung takot kang pumatay at mamatay ay wag’ kang mag-presidente.”

Sa tanong naman kung posible ba sa kanyang administrasyon ang martial law, ay “no” naman ang sagot nito.

Pabor naman siya na ilibing na sa Libingan ng mga Bayani si Marcos dahil “time to heal”.

Ano ang gagawin niyo sakaling malaman niyong nagdo-droga ang anak niyo, ay mabilis ang naging sagot ng alkalde na “ipapatay ko”.

“No” naman ang tugon niya sa tanong kung may anak siyang gumagamit ng droga.

Kung sakaling si senadora Grace Poe naman daw ang manalo sa pagka-pangulo ay walang Amerikano na mailuluklok sa Malakanyang.

Sa katunayan ay ni-renouce na umano ng kanyang mister ang pagiging American Citizen nito isang buwan na ang nakalilipas.

Tinanong naman si Poe kung isinauli na ng kanyang asawa ang US passport nito ay “yes” ang naging sagot ng senadora.

Ipatutugis niyo ba ang Abu Sayyaf sa mga Amerikano ay “yes” ang naging sagot nito.

Samantala, “puwede” na rin naman aniyang patawarin si Marcos sa tanong kung ito ba ay dapat nang patawarin ng sambayanang Pilipino

at kung papayag naman daw ang korte ay patatawarin din niya si dating pangulong gloria arroyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.