Pumalo na sa 186.35 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 186,355,355 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,676,896 cases.
Sumunod na rito ang India na may 30,752,950 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 18,962,786 naman ang kaso sa Brazil habang 5,799,107 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 5,707,452
– Turkey – 5,465,094
– United Kingdom – 5,022,893
– Argentina – 4,613,019
– Colombia – 4,450,086
– Italy – 4,267,105
– Spain – 3,915,313
– Germany – 3,741,451
– Iran – 3,327,526
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,026,882 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 170,494,246 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.