Banggaan ng dalawang barko sa Manila, walang oil spill

By Chona Yu July 09, 2021 - 12:03 PM

(PCG photo)

 

Walang oil spill sa banggaan ng dalawang barko sa South Harbor Anchorage area sa Manila.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armand Balilo, walang dapat na ipangamba ang publiko.

Nagbanggaan kahapon ang dalawang barko na MV Palawan Pearl at isang foreign utility vessel na BKM 104.

Ayon kay Balilo, karga ng MV Palawan Pear ang 3,000 litro ng diesel.

Sakali man aniyang magkaroon ng oil spill, walang dapat na ipangamba ang publiko dahil ordinary diesel lamang ang karga at kusang magdi-dissipate sa init ng araw o kaya ay sa alon.Wala namang naiulat na nasugatan sa banggaan ng dalawang barko.

 

 

TAGS: BKM 104, Commodore Armand Balilo, MV Palawan Pearl, Oil Spill, philippine coast guard, BKM 104, Commodore Armand Balilo, MV Palawan Pearl, Oil Spill, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.