Limang short phreatomagmatic bursts naitala sa Bulkang Taal

Limang short phreatomagmatic bursts ang naitala ng Phivolcs sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang phreatomagmatic bursts bandang 6:47 ng umaga, 6:06 kagabi, 9:21 kagabi, 9:50 kagabi at 2:59 kaninang madaling araw.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Aabot naman sa 58 na volcanic earthquake ang naitala sa bulkas.

Ayon sa Phivolcs, nanatili sa high level ang volcanic sulfur dioxide gas emission sa bulkan at umaabot sa 1,200 metro ang steam-rich plumes.

 

Read more...