1.124 milyong doses ng AstraZeneca vaccines nabigyan na ng clearance ng BOC

By Chona Yu July 09, 2021 - 09:45 AM

 

Binigyan na ng clearance ng Bureau of Customs ang 1.124 milyong doses ng AstraZeneca na dumating sa bansa kagabi, July 8.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pre-cleared na ang mga bakuna noon pang July 7 sa pamamagitan ng COVID-19 One-Stop-Shop ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport.

Dumating ang mga bakuna kagabi sakay ng All Nippon Airlines mula sa bansang Japan.

Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bakuna.

Matatandaang ito na ang ikaapat na batch ng AstraZeneca na dumating sa bansa.

Aabot sa 12 milyong doses na ng mga bakuna ang nabigyan ng clearance ng BOC.

Kabilang na rito ang Sinovac, Pfizer Moderna at Sputnik V.

 

 

 

TAGS: AstraZeneca, Bureau of Customs, clearance, Rey Leonardo Guerrero, AstraZeneca, Bureau of Customs, clearance, Rey Leonardo Guerrero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.