Ano ang imahe ng Pilipinas pagkatapos ng iyong termino sa 2022?

By Isa Avendaño-Umali April 24, 2016 - 08:36 PM

 

870x435-pilipinasSa tanong na ‘paano mo masasalarawan ang Pilipinas sa 2022, pagkatapos ng iyong termino’ nagsimula ang Luzon leg ng PiliPinas Presidential debate 2016, sa University of Pangasinan.

Binigyan ang bawat kandidato ng tig-dalawang minuto para mailahad ang kani-kanilang opening statement.

Ayon kay Senadora Miriam Defensor Santiago, magkakaroon ng ‘uniform of law’, at modernong sektor ng agrikultura sa pagtatapos ng kanyang administrasyon sa 2022.

Sa panig naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, pagsapit ng 2022, mayroong malinis na gobyerno, mapayapang bansa at nasugpo ang droga.

Sa pagsalang naman ni Vice President Jejomar Binay, sinabi niya na pagdating ng 2022, ang bansa ay maunlad at ang mga buhay ng mga mamamayang Pilipino ay umangat.

Para kay Senadora Grace Poe, ayaw daw niya ng gobyernong manhid, bulag sa kahirapan, maraming kabataang nagugutom at hindi nakakapag-aral. Pero aniya, ang bagong administrasyon, sa ilalim ng kanyang pamumuno, ay tututok sa mga pangangailangan ng bayan.

Ang huli, si dating DILG Secretary Mar Roxas, pagdating aniya ng 2022 ay nakikita niya na ang Pilipinas ay maunlad at disente, at isang bansa na puno ng pagkakataon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.