Carinderia Kits ipinamahagi ng DTI, Muntinlupa LGU sa 75 food retailers

 

(Muntinlupa PIO)

Bilang tulong sa kanila na makabawi at makabangon, namahagi ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng pamahalaang-lungsod ng ‘Carinderia Kits’ sa 75 negosyante sa Muntinlupa City.

Nagkakahalaga ng P8,000 ang mga gamit na ibinigay nina DTI – NCR Dir. Marcelina Alcantara, Mayor Jaime Fresnedi at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa mga benipesaryo ng Livelihood Seeding Program -Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB).

Bukod dito, nag-alok din ang DTI ng business registration assistance, small and medium enterprises (SMEs) counseling, product development, financing facilitation, market and business matching, trade promotion, investment promotion, business information and advocacy, training, seminars and workshops.

Pinasalamatan naman ni Fresnedi ang DTI at tiniyak na malaking tulong ang programa para makabangon ang mga maliliit na negosyo para sa sumigla muli ang ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito, iginawad ng DTI ang Certificate of Recognition kay Fresnedi bilang pagkilala sa pangunguna ng Muntinlupa City sa Resilience category ng Cities and Municipalities Competitiveness Index sa hanay ng mga lungsod sa bansa.

Ang lungsod ang unang lokal na pamahalaan sa bansa na nag-alok ng micro-financing program sa pamamagitan ng kanilang Tulong Negosyo Program, na nag-aalok ng pautang ng walang interes sa mga maliliit na negosyo.

Read more...