Palawan, Visayas, Mindanao apektado pa rin ng ITCZ

DOST PAGASA satellite image

Hindi nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, tatagal ang monsoon break hanggang sa susunod na linggo.

Sa ngayon, umiiral aniya ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Patuloy aniyang asahan ang makulimlim na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa bahagi ng Palawan, Eastern Visayas, Caraga at Davao region.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila, posibleng makaranas ng mga panandaliang pag-ulan hanggang Huwebes ng gabi dulot ng localized thunderstorms.

Sinabi rin nito na walang inaasahang bagyo o sama ng panahon na mabubuo o papasok sa teritoryo ng bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...