Mga presidentiables, kanya-kanyang tugon sa isyu ng pang-aagaw ng teritoryo ng China sa West Philippines Sea

By Isa Avendaño-Umali April 24, 2016 - 07:51 PM

 

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateGagawa daw ng paraan si Vice President Jejomar Binay para matugunan ang problema sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Pero habang pinag-uusapan aniya ang isyu ng mga bansang nag-aagawan sa teritoryo ay sisiguruhin niya munang mabibigyan ng trabaho ang mga apektadong mangingisda na itinataboy ng Coast Guard ng China.

Bibigyan din umano niya ang mga ito ng puhunan para sa alternatibong panghanap-buhay, libreng gamot at pang-ospital, at tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa panig naman ni Senadora Miriam Santiago, sinabi nito na dalawang paraan ang solusyon sa problema sa West Philippines Sea, una ay ligal na solusyon at pangalawa ay diplomasya.

Pero kung hindi aniya madaan ang tsina sa ganuong uri ng mga pamamaraan ay ipag-uutos na lamang niya ang pagbomba sa coast guard na nagtatabo sa ating mga mangingisda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.