Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol sa Davao Occidental, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 118 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos.

Tumama ang lindol bandang 6:09 ng gabi.

May lalim ang lindol na 54 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala ngunit maaring makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...