Pagkakaisa ng mga partido na suportahan si Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 polls, welcome kay Romualdez

July 08, 2021 - 06:32 PM

FILE PHOTO

Welcome para kay House Majority Leader Martin Romualdez ang pagkakaisa ng mga partido para suportahan si Davao City Mayor Sara Duterte sakaling tumakbo itong Pangulo sa 2022 national election.

Limang political party na ang nagpahayag ng suporta at pakikipag-alyansa sa partido ni Mayor Sara na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Una nang inaprubahan ng LAKAS-CMD ang isang resolusyon para pagtibayin muli ang alyansa ng dalawang partido.

Ayon kay Romualdez, welcome development ito dahil mas lalong lalakas ang electoral chance kung sinuman ang mapipiling kandidato ng HNP sa Presidential at Vice Presidential post.

Bukod sa LAKAS, nagpahayag na rin ng suporta ang National Unity Party, Peoples Reform Party, Nacionalista Party at Pwersa ng Masang Pilipino Party.

Umaasa si Romualdez na susunod na rin na makipag-alyansa ang iba pang political parties para sa iisang misyon na maghalal ng national leaders na magsusulong ng mga reporma para sa mas magandang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

TAGS: 2022candidates, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, RadyoInquirerNews, 2022candidates, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.