Modernisasyon ng AFP mahalaga para sa buhay, sabi ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio July 08, 2021 - 05:05 PM

Dahil sa pagkasawi ng 53 sundalo at sibilyan sa pagbagsak ng C-130 military transport plane sa Sulu, iginiit ni Senator Christopher Go ang kahalagahan ng modernong sandatahang-lakas.

Ayon kay Go, sa modernisasyon ng AFP, hindi lang ang buhay ng mga sundalo ang napapag-ingatan, kundi maging ng sambayanan.

Sinabi niya na hindi lang dapat sa pagtaas ng suweldo binibigyan halaga ang pagsasakripisyo ng mga sundalo kundi maging sa pagbibigay sa kanila ng maayos at maasahan na kagamitan.

Kasabay nito ang bilin niya sa AFP na tiyakin palagi na nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga gamit, kasama na ang mga sasakyan ng mga sundalo dahil nakadepende din sa mga ito ang buhay ng mga sundalo.

Samantala, tiniyak ni Go na makikibahagi siya sakaling magsagawa ng pagdinig sa Senado ukol sa nangyaring trahedya sa Sulu bilang vice-chairman ng Committee on National Defense.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.