Pagtugon sa COVID-19 pandemic, nananatiling prayoridad ng gobyerno – Palasyo

Photo grab from RTVM Facebook

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na nanatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa pandemya sa COVID-19 at hindi ang pamumulitika.

Pahayag ito ng Palasyo matapos batikusin ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng PDP-Laban.

Sa naturang pulong, hinimok ng partido si Pangulong Duterte na tumakbong bise presidente sa 2022 elections.

Ayon kay Roque, walang nagbago sa mga prayoridad ng Pangulo.

Ayon kay Roque, may COVID-19 o wala ay hindi pa rin maiiwasang paghandaan ang pulitika lalo’t malapit na ang eleksyon sa susunod na taon.

Hindi rin maiiwasang maghanda ang mga political party kagaya ng PDP-Laban.

Sinabi pa ni Roque na mananatiling may interes si Pangulong Duterte sa pulitika lalo’t siya ang chairman ng partido.

Read more...