FDA sinabing hindi na ligtas ang mga ipinagbibiling bakuna
Binalaan ang publiko ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi na ligtas ang mga ipinagbibiling bakuna.
Paliwanag ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo nangangailangan ng tamang paghawak ang mga bakuna at kinakailangan din ang angkop na temperature para mapanatili ang bisa ng mga ito.
Ayon kay Domingo ang mga narekober na bakuna ng mga ahente ng NBI sa isang entrapment operation ay genuine naman ngunit hindi na maaring iturok sa tao.
“Hindi mo na kasi alam yung integrity ng cold chain, ng pag-handlen niyan. At pag ganyang merong doubt, hindi na po natin pinapayagang gamitin sa tao ang ganyan po na mga bakuna,” sabi ng opisyal.
Dagdag pa niya inaalam pa rin ng NBI kung saan nagmula ang mga nakumpiskang bakuna, kung ang mga ito ay mula sa suplay ng gobyerno o ilegal na ipinasok sa bansa.
Umapila si Domingo sa publiko na agad isumbong ang mga bentahan ng bakuna alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.