Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (July 8), pumalo na sa 1,455,585 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 49,036 o 3.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,484 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.7 porsyento ang asymptomatic; 1.62 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 191 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 25,650 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,925 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,380,899 o 94.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.