Mga residente sa paligid ng Bulkang Taal, pinapayagang makabalik sa kanilang tahanan
Pinapayagan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa paligid ng Bulkang Taal na makabalik sa kanilang tahanan.
Ayon kay NDRRMC Region 4A Regional Director Maria Theresa Escolano, ito ay para makapaghango ang mga residente ng isda sa kani-kanilang fish pond.
Papayagan din aniya ang mga residente na makuha ang kanilang mga alagang hayop.
Pero ayon kay Escolano, ipatutupad ang window hour mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon lamang.
Hindi aniya papayagan ang mga residente na matagal sa paligid ng bulkan dahil mayroon pang banta at patuloy pang nag-aalburoto ang Bulkang Taal.
Kilala ang Bulkang Taal sa mga isda lalo na ang tilapia at mga alagang kabayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.