Binay, todo paghahanda sa huling presidential debate

By Erwin Aguilon, Isa Avendaño-Umali April 24, 2016 - 02:57 PM

 

 

binay-0316Nagsimba si Vice President Jejomar Binay, ilang oras ang ikatlo at huling PiliPinas 2016 Presidential debate sa Phinma University sa Pangasinan.

Kasama ni Binay ang running mate nito na si Senador Gringo Honasan na dumalo sa isang misa sa St. John Metropolitan Cathedral, na halos isang kilometro lamang ang layo mula sa Phinma University.

Sinalubong si Binay ni Binmaley Mayor Simplicio Rosario, na ayon sa Bise Presidente ay isa sa mga contractor sa Makati City na tumulong sa kanyang mga proyekto.

Nauna nang dumating sa Pangasinan si Binay, na naglibot na rin sa lalawigan para mangampanya.

Nasa Dagupan City na rin sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senadora Miriam Defensor Santiago, na kapwa dadalo sa Presidential debate.

Kaugnay nito, Ilang oras bago ang debate ay isinara na ang kalye sa harap ng venue.

Partikukar na sarado sa anumang uri ng sasakyan ang Arellano St. mula A. Fernandez hanggang De Venecia St.

Ito, ayon sa mga tauhan ng Dagupan City Police, ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taga suporta ng mga tumatakbo sa pagka-Pangulo.

Nakakalat na rin sa paligid ng venue ang mga tauhan ng Civil Disturbance Managemement Unit ng PNP at mga miyembro ng militar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.