Pinasinayaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang expansion at development project ng Salomague Port sa Ilocos Sur, araw ng Huwebes (July 8).
Pinangunahan nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ang inagurasyon sa pantalan.
Kasama rin sa inagurasyon sina Cabugao Mayor Edgardo Cobangbang Jr., Ilocos Sur 1st District Congressman DV Savellano, at Provincial Board Member Mildred Elaydo.
Makikita sa larawan na mas pinaganda at pinalawak kung kaya’t kakayanun na ang mga kinakailangang gamit.
Sinabi ng kagawaran na malaki ang maitutulong ng development at improvement projects dahil nakatakdang maging cruise port ang Salomague Port.
Mapapalakas din nito ang turismo at ekonomiya sa lugar.
Inaasahang dadami rin ang socio-economic opprtunities na magbubukas para sa mga Ilocano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.