AFP, nakatanggap ng P48.5-M halaga ng mga armas at bala galing sa US
Nagpadala ang mga opisyal ng Joint United States Military Assistance Group – Philippines (JUSMAG-P) ng mga bagong armas at munitions sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Clark Air Base noong July 4.
Nagkakahalaga ang mga armas ng P48.5 milyon o $1 million.
Sa ilalim ng U.S. grant assistance, kabilang sa mga ipinadala ang 14 M2A1 .50 caliber heavy machine guns, pitong M240B machine guns, at libu-libong bala.
Layon nitong mapabuti ang counterterrorism capabilities at readiness ng AFP.
“As the United States and Philippines celebrate 75 years of diplomatic relations today, we welcome this key equipment transfer, which will support the continued readiness of the Armed Forces of the Philippines,” pahayag ni JUSMAG-P Chief at Senior Defense Official to the Philippines Col. Stephen Ma.
Simula 2015, nakapagbigay ang Amerika ng humigit-kumulang P48.6 bilyon o $1 billion na security assistance sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.