Desisyon ng Korte Suprema sa petitions vs Anti Terror law sa pagtatapos ng 2021

Maaring bago pa matapos ang kasalukuyang taon makakapagdesisyon sa Korte Suprema sa mga inihaing petisyon laban sa Anti-Terrorism Law.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo umaasa sila na sa pagtatapos ng taon ay makakabuo na sila ng ‘draft’ ng desisyon ukol sa mga naihaing petisyon.

Ito ay bago ang pagreretiro ni Associate Justice Rosmari Carandang sa darating na Enero.

Si Carandang ang ‘justice-in-charge’ sa mga petisyon na umabot sa 37.

Bagamat ilang beses na naudlot nakapagsagawa na ang Korte Suprema ng oral arguments hinggil sa mga petisyon at nakapagsumite na rin ang magkabilang partido ng kanilang mga memorandum.

Ang Office of the Solicitor General, na kumakatawan sa gobyerno, ay iginiit na dapat ibasura ang mga petisyon sa katuwiran na naayon sa Saligang Batas ang Republic Act 11479.

 

Read more...