Lacson – Sotto’s ‘Tour of Luzon’ nagsimula sa Bulacan

By Jan Escosio July 08, 2021 - 01:55 PM

OFFICE OF SP TITO SOTTO PHOTO

Ikinasa na nina Senate President Vicente Sotto III at Senator Panfilo Lacson ang kanilang ‘consultative meetings’ sa mga lokal na opisyal ng Bulacan.

Bago pa ito, dumaan at nagdasal ang dalawa sa Nuestra Señora del Carmen (Barasoain) Church bago ang pakikipag-usap nila sa mga lokal na opisyal ng lalawigan.

“Kanina sa Barasoain, Nuestra Señora del Carmen Church Malolos. Started our journey for Luzon consultative tour with a prayer. Besides, I go to church everyday anyway,” ang mensahe ni Sotto sa mga mamamahayag.

Ayon sa kampo ni Sotto, ang pakikipag-pulong ng dalawa sa mga lokal na opisyal ay para hingiin ang kanilang mga saloobin sa ‘post pandemic plan recovery plan’ ng bansa.

Ang kanilang version ng Tour of Luzon ay para kumustahin ang mga LGUs, tingnan ang kanilang kalagayan at makakuha ng mga suhestyon para sa post-[COVID-19] recovery plan ng bansa,” ayon sa pahayag mula sa kampo ni Sotto.

Kapwa din ikinukunsidera ng dalawang senador ang pagtakbo sa eleksyon sa susunod na taon bagamat hindi pa inihahayag ang kanilang plano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.