4 sa mga pumatay kay Haiti President Jovenel Moise napatay, 2 pa naaresto
Napatay na ng mga awtoridad ng Haiti ang apat sa hinihinalang pumatay kay President Jovenel Moise sa bahay nito.
Sinabi ni Police Gen. Dir. Leon Charles may naaresto pa silang dalawang ‘mercanaries,’ na unang napabalitang narinig na nag-uusap sa English at Spanish.
Ayon kay Charles agad silang nagsagawa ng blocking operations sa lahat ng mga maaring madaanan ng mga salarin sa kanilang pagtakas at kasunod nito ang matinding pakikipagpalitan na nila ng mga putok.
“They will be killed or apprehended,” diin ni Charles.
Agad pinatay ang 53-anyos na si Moise sa kanilang bahay sa Port-au-Prince, samantalang malubha naman nasugatan ang kanyang maybahay na si Martine.
Sinabi naman ni Haiti Ambassador to the United States Bocchit Edmond nagpakilalang mga ahente ng US Drug Enforcement Administration ang mga salarin kayat nakapasok sila sa bahay ni Moise.
Kinondena na ng US at iba pang gobyerno sa Latin America ang pagpatay kay Moise, na naupo sa kapangyarihan noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.