Ikatlo at huling presidential debate sa University of Pangasinan, aarangkada na mamayang hapon

By Erwin Aguilon April 24, 2016 - 11:52 AM

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateIpinasilip na sa media kung ano ang mga aasahan sa ikatlo at huling PiliPinas 2016 Presidential debate mamayang hapon sa Phinma University of Pangasinan sa Dagupan.

Sinabi ni Ging Reyes, Head ng ABS-CBN News and Current Affairs, na dahil town hall ang format ng debate, asahan na raw na magiging kakaiba ito at exciting.

Kakaiba aniya dahil ang magtatanong ng direkta sa mga kandidatong Pangulo ay mismong mga botante mula pa sa iba’t ibang parte ng bansa o mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon pa kay Reyes, lahat ng mga kandidato ay sasagot sa ibabatong tanong.

Inaasahan din aniyang magiging mainit ang parte ng debate kung saan magkakaroon ng Face-off ang Presidentiables.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagkabunutan na ang mga kinatawan ng mga kandidato, subalit tumanggi na muna ang mga organizer na banggitin kung sino ang magtatanong kanino.

Mas pinahaba rin ang airtime ng ikatlong leg ng PiliPinas debates mula alas sais ng gabi hanggang alas nuebe ng gabi.

 

TAGS: #PiliPInasDebates2016, #VotePH2016, #PiliPInasDebates2016, #VotePH2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.