Pananabotahe sa Comelec website, inside job ayon sa isang political analyst

By Ricky Brozas April 24, 2016 - 11:28 AM

Comelec-defaced-site-620x1043Naghihinala si Professor Ramon Casiple na inside job ang nangyaring hacking sa website ng Commission on Elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Casiple na dapat siyasatin ng mga otoridad at paimbestigahan maging ang mga naka-assign sa Information Technology o IT department ng ahensiya.

Naniniwala kasi si Casiple na hindi simpleng hacking lamang ang nangyari kundi para gamitin ito sa dayaan sa halalan sa Mayo a-nueve tulad na lamang ng dagdag-bawas.

Sinabi rin ni Casiple na hindi naman basta-basta mapapasok ng mga hackers ang website at data base ng Comelec kung walang tao na nagbigay-daan sa kanila para isakatuparan ang pananabotahe.

Naniniwala ang political analyst na malaki ang pananagutan ng Comelec sa batas sa pangyayaring iyon dahil sila pa naman ang naatasan na siguruhin na napoproteksiyunan ang right to suffrage ng mga Pilipino bilang kanilang constitutional duty.

 

TAGS: #VotePH2016, Comelec website hacking, #VotePH2016, Comelec website hacking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.