P16.24-B o 99 porsyento ng Barangay Development Program Fund, nai-release na sa LGUs

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa kabuuang P16.24-billion o 99 porsyento ng pondo para sa Barangay Development Program (BDP) ang nai-release sa local government units (LGUs).

Base ito sa datos hanggang June 30, 2021.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ilalaan ang nasabing pondo para sa 2,276 proyekto ng 812 barangay kung saan ang mga alokasyon ay naaprubahan at nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM).

“With the P16.24-billion fund downloaded to the recipient Local Government Units nationwide, we will implement some 2,276 projects which will benefit our kababayans in the sitios and barrios that were formerly influenced by the Communist terrorists,” pahayag ng kalihim.

Dagdag pa nito, “These projects are tangible proof of the government’s desire to bring development to far flung areas that have not seen government projects in a very long time.”

Sinabi ni Año na karamihan sa mga proyekto ay infrastructure projects kabilang ang malaking bilang ng LGSF na may 926 farm-to-market roads; 516 water at sanitation projects; 156 health stations; at 135 school buildings.

“It is apparent na malaki ang pangangailangan sa mga komunidad ng mga proyektong pang-imprastraktura kaya tayo po ay natutuwa na sa tulong ng BDP ay napaglaanan ang mga proyektong tulad nito,” saad nito.

Ayon sa kalihim, nasa P11.611 billion ang nakalaan sa farm-to-market road projects; P2.386 billion para sa water and sanitation system; P569 million sa school buildings; P491 million para sa health station; P482 million sa rural electrification; habang P328 million naman para sa agricultural, livelihood at technical vocational projects.

Gagamitin naman ang P170 million para sa iba pang infrastructure projects; P110 million naman ang ilalan sa pagtulong sa indigent individuals at families; P49 million sa reconstruction, rehabilitation, repair at iba pang katulad na proyekto; P16 million sa housing; at P22.5-million para sa COVID-19-related projects.

Inilaan ang malalaking alokasyon ng pondo sa Regions 7, 10, 11, 12, at 13.

Samantala, sinabi ni Año na pinoproseso pa ang pagkumpleto sa documentary project requirements ng nalalabing 10 barangay alinsunod sa mga polisiya at procedures sa ilalim ng Local Budget Circulars na inilabas ng DBM para sa implementasyon ng 2021 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP).

Read more...