ITCZ magdudulot ng pag-ulan sa Visayas, Mindanao
Hindi na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa anumang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na ang umiiral sa bahagi ng Visayas, Palawan at Mindanao.
Magdudulot aniya ang naturang weather system ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Central at Eastern part ng Visayas, ang buong Mindanao at Palawan.
May tsansa aniya na may kalakasan ang mararanasang pag-ulan na maaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sa ibang bahagi naman ng bansa, sinabi ni Rojas na posibleng makaranas ng mga panandaliang pag-ulan bunsod ng thunderstorms.
Samantala, tiniyak nito na walang inaasahang bagyo o sama ng panahon na maaring mabuo sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.