Pagbagal ng inflation, maganda para sa ekonomiya – Salceda

July 07, 2021 - 05:01 PM

Ikinokonsidera ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na positibo para sa ekonomiya ang pagbagal ng inflation.

Batay sa huling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 4.1 porsyento ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Hunyo.

Positive development aniya ito dahil makakatulong ito sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Ngunit, sinabi ng mambabatas na kailangan pa ring matugunan ang ilang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation.

Una rito, sinabi ni Salceda na bahagyang mataas pa rin ang 4.1 porsyentong inflation rate kumpara sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 2 porsyento hanggang 4 porsyento.

Sa ngayon, hindi aniya kakayanin ng bansa ang biglang pagtaas ng contractionary interest rate dahil liliit ang tsansa ng paglago sa gitna ng panahon ng recovery.

Kasunod nito, pinaalalahanan ng kongresista ang publiko na maging alerto sa anumang inflationary factors.

Umapela naman si Salceda sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na kumilos para maibaba na ang inflation sa bansa.

TAGS: Inflation, InquirerNews, JoeySalceda, JuneInflation, RadyoInquirerNews, Inflation, InquirerNews, JoeySalceda, JuneInflation, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.