Dalawang bagong tren ng MRT, nilagay na sa Taft Avenue station sa Pasay City
Dalawang bagong bagon ng Metro Rail Transit o MRT ang nadagdag sa mga inaasahan na dadating sa bansa ngayong taon.
Binuo at ipinuwesto ng MRT engineers ang ikalima at ikaanim na mga bagong bagon kagabi sa Taft Avenue station sa Pasay City.
Sa pangkalahatan, apatnapu’t walo pang bagong tren ang inaasahang darating sa bansa at dalawa dito ay idedeliver na sa mga susunod na buwan.
Kasabay nito, maaaring magsimula na ang training ng drivers ng mga bagong bagon sa susunod na linggo.
Kapag naipuwesto na ng maayos ang mga tren, magsasagawa na ng static test ang MRT engineers upang matiyak na magiging maayos ang kondisyon ng mga ito.
Maging ang dynamic test ay isasagawa rin para makita kung tatakbo ang tren sa riles nang walang aberya.
Sinabi naman ng MRT management na posibleng magamit ng publiko ang mga bagong tren sa susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.