276 na smuggled carnivorous plants nahuli ng BOC, DENR

By Angellic Jordan July 07, 2021 - 04:14 PM

BOC photo

Nasamsam ng Bureau of Customs-NAIA (BOC-NAIA), katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang ilegal na na-import na 276 carnivorous plants sa Paircargo Warehouse sa Pasay City noong July 05, 2021.

Nadiskubre ang carnivorous plants sa ginawang 100 porsyentong physical examination ng imported 10 packages mula sa Netherlands.

Lumabas din sa beripikasyon ng DENR na ilegal na na-import ang mga halaman sa bansa dahil wala itong Sanitary and Phytosanitary Import Clearance at CITES Permit mula sa kagawaran.

Tinukoy na ang carnivorous plants ay Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula, at Cephalotus.

Tinatayang nagkakahalaga ang carnivorous plants ng P150,000.

Deklarado ang carnivorous plants bilang ‘critically endangered’ at kabilang sa mga kakaiba at most endangered na halaman.

Ang pangongolekta at pagkakalakal ng naturang insect-eating plants ay paglabag sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9147 o Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Dinala ang mga kargamento sa DENR para sa rehabilitasyon at pangangalaga alinsunod sa Section 11 ng Republic Act 9147 at Section 1147 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Section 8 ng Customs Administrative Order No. 10-2020.

Tiniyak ng BOC at DENR na seryoso sila sa pinaigting na border protection laban sa illegal wildlife trade para sa wildlife protection at conservation.

BOC photo

TAGS: BOC operation, carnivorous plants, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled carnivorous plants, BOC operation, carnivorous plants, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled carnivorous plants

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.