PGC, pinag-aaralan kung mas matindi ang Lambda variant ng COVID-19 kaysa sa Delta variant

By Chona Yu July 07, 2021 - 03:50 PM

Pinag-aaralan pa ng Philippine Genome Center kung mas matindi ang Lambda variant kumpara sa Delta variant ng COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Doctor Cynthia Saloma, PGC Executive Director, na wala pang sapat na data at ebidensya ang mga ekpserto kung mas mapanganib ang Lambda variant.

“As to whether or not, it is more deadly or will give more severe symptoms compared to Delta, sa totoo lang po, Usec, pinag-aaralan pa po iyan. We don’t have sufficient data as well as sufficient evidence that this is giving any more severe [symptoms] than symptoms from the Delta variant,” pahayag ni saloma.

Aminado rin si Saloma na hindi pa nila mabatid ngayon kung mas makabilis makahawa ang bagong variant.

“And at the same time, hindi rin po natin alam kung ang kaniyang transmissibility mas mataas pa sa Delta variant, kasi kaunti lang po lang talaga iyong datos. So makatuwid, mga 30 lang, mga 30 nations na po iyong nag-report, but most of these countries o kung saan nakikita ang Lambda variant, nandoon po siya sa south America, particularly in Peru, in Chile at saka po in Argentina and in Ecuador,” pahayag ni Saloma.

TAGS: DeltaVariant, InquirerNews, LamdbaVariant, PGC, RadyoInquirerNews, DeltaVariant, InquirerNews, LamdbaVariant, PGC, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.