Davao City, Benguet magdo-donate ng P5-M para sa plane crash victims sa Sulu

Contributed photo

Magbibigay ng P5 milyong tulong-pinansiyal sina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Caretaker Rep. Eric Yap sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Yap, si Duterte ang nagplano ng ambagan at parte ng nasabing halaga ay mula sa mga negosyante sa Davao City at Benguet.

Para sa dalawang kinatawan, maliit na halaga lang ito kumpara sa sakripisyong ginawa at sa serbisyo ng mga sundalo para sa bansa.

Umaasa silang kahit paano ay makatulong sa mga naulilang pamilya at sa pagpapagaling ng mga nasugatan hanggang sa makabalik sa serbisyo.

Tinawag ng presidential son na bayani ang mga nasawing sundalo, pero mas malaking kawalan anya ang mga ito para sa kanilang pamilya.

Ang donasyon ay itu-turn over sa Camp Aguinaldo sa Lunes, July 12.

Read more...