Bulkang Taal, muling nagkaroon ng phreatomagmatic burst
By Angellic Jordan July 07, 2021 - 02:56 PM
Nagkaroon muli ng aktibidad ang Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, nagkaroon ng phreatomagmatic burst sa main crater ng naturang bulkan.
Nakuhanan ito ng Main Crater IPCamera bandang 11:56 ng umaga.
May taas ang dark gray plume ng 200 metro.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.