Pacquiao, kulang sa research kaugnay sa umano’y anomalya – DOE
Pinabulaanan ng Department of Energy (DOE) ang alegasyon ni Senador Manny Pacquiao na talamak ang korupsyon sa naturang ahensya.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Energy Assistant Secretary Gerardo Erquiza Jr. na kulang sa research at ill-advised si Pacquiao sa naturang usapin.
Una rito, ibinunyag ni Pacquiao na binigyan ng DOE ang private company na Independent Electricity market Operator of the Philippines.
Ayon kay Pacquiao, hindi raw dumaan sa bidding process ang naturang transaksyon kung saan bilyong piso ang nahuthot ng kompanya sa DOE.
Pero ayon kay Erquiza, hindi totoo ang mga paratang ni PAcquiao.
Ayon kay Erquiza, hindi na kasi kailangang dumaan sa bidding ang isang independent market operator.
Hindi na aniya ito kailangang sundin dahil wala namang requirement sa Government Procurement Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.