Labingdalawa katao, patay sa dalawang car bomb attack sa Baghdad

By Mariel Cruz April 24, 2016 - 09:05 AM

baghdadHindi bababa sa labingdalawa katao ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na car bomb attack sa Baghdad kahapon, araw ng Sabado.

Ayon sa pulisya, target ng mga attacker ay mga miyembro ng security force.

Inihayag naman ng Amaq news agency na ang grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang nasa likod ng pagpapasabog.

Naganap ang unang pagpapasabog sa isang security checkpoint sa northern al-Husseiniya district kung saan siyam na katao ang namatay habang labing walo naman ang sugatan.

Wala pang umaako ng ikalawang bomb attack na ang tinarget ay isang army convoy sa Arab al-Jabour.

Nabatid na tatlo naman ang nasawi habang labing isa ang nasugatan sa ikalawang car bomb attack.

 

TAGS: baghdad bombing, baghdad bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.