Patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa La Mesa dam.
Alas 6:00 ng umaga kanina, nasa 79.98 meters na ang water level sa dam, at 17 centimeters na lang ang kulang bago maabot ang spilling level nito na 80.15 meters.
Dahil dito, nagsimula na ang paglilikas sa mga residenteng maaapektuhan sakaling umapaw ang tubig sa La Mesa dam.
Sa ngayon, mayroon nang dalawang pamilya na inilikas sa Fairview Elementary School na nakatira sa tabi ng creek sa bahagi ng Tullahan River.
Kabilang sa mga lugar na maapektuhan sa sandaling umapaw ang La Mesa dam ay ang mga Barangay sa Novaliches, Quezon City, Caloocan, Valenzuela City at Malabon na nasa paligid ng Tullahan River./ Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.