Sen. Manny Pacquiao magbibigay ng P50,000 sa mga namatayan sa Sulu C-130 crash

By Jan Escosio July 07, 2021 - 08:02 AM

Sinabi ni Senator Manny Pacquiao na bibigyan niya ng tig-P50,000 ang bawat pamilya ng mga namatay na sundalo sa pagbagsak ng C-130 military transport plane sa Patikul, Sulu noong nakaraang araw ng Linggo.

Samantala, ang mga nasugatan naman sa trahedya ay tatanggap ng P20,000 mula sa Pambansang Kamao.

Si Pacquiao ay reservist sa Philippine Army at may ranggong colonel.

“Kasama po ako ng sambayanan sa panalangin para sa mga ating bayaning nasawi at para sa agarang paggaling ng mga sugatan,” ayon sa senador.

Noong 2019 ay naitalaga siyang brigade commander ng Army 2203rd Reserve Infantry Brigade, na sakop ang kabuuang ng Region 12 o Soccsksargen, kasama na ang lalawigan ng Maguindanao.

Kasisimula lang ng pagsasanay ni Pacquiao sa California para sa kanilang paghaharap ni unified welterweight champion Errol Spence Jr., sa Las Vegas, Nevada sa darating na Agosto 21.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.