Pagkakaabswelto ni Revilla, walang epekto sa anti-corruption drive ni Pangulong Duterte – Palasyo

By Chona Yu July 06, 2021 - 02:45 PM

Ganyan ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang matapos absweltuhin ng Sandiganbayan si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang lahat ng 16 counts ng kasong graft na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nabigo kaso ang prosekusyon na patunayang ‘guilty beyond reasonable doubt’ si Revilla.

“Well, he was accorded his day in court and the prosecution failed to prove his guilt beyond reasonable doubt. Ganiyan po talaga ang sistema ng katarungan natin sa Pilipinas, ang mga akusado po ay presumed innocent until proven otherwise,” pahayag ni Roque.

Tiniyak naman ni Roque na walang epekto sa anti-corruption drive ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaabswelto ni Revilla.

“Wala naman pong epekto diyan dahil patuloy po ang patuligsa ng ating Presidente, pag..ng ating Presidente sa mga kurakot sa gobyerno and the President has repeatedly said na dito sa natitirang isang taon sa kaniyang termino, igugugol niya ito para labanan ang korapsyon,” pahayag ni Roque.

Matatandaang idinadawit si Revilla sa P10 bilyong anomalya sa Priority Development Assistance Fund o pork barrel scam kung saan ibinuhos ang pondo sa mga bogus na non-government organization ni Janet Lim-Napoles.

TAGS: HarryRoque, Inquirer News, PDAFscam, PorkBarrelScam, Radyo Inquirer news, RevillaCase, HarryRoque, Inquirer News, PDAFscam, PorkBarrelScam, Radyo Inquirer news, RevillaCase

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.