WATCH: Mga bula sa Mainit bubbles dive sites sa Mabini, Batangas dumami pa
Matapos makapagtala ng mataas na antas ng sulfur dioxide immission ang Phivolcs sa Bulkang Taal noong araw ng Linggo, naging kapansin-pansin mula sa volunteer divers at mga bangkero sa Mabini, Batangas ang pagdami at paglakas ng mga nakikitang bula na nagmumula sa ilalim ng dagat nang isagawa ang 2nd coastal clean-up sa pakikipag-ugnayan sa local tourism office ng naturang bayan.
Ang mga nakitang bula ay ilang metro lamang ang layo mula sa Layag Dive Resort sa Barangay Mainit sa Mabini o kilala rin bilang Mainit bubbles dive sites.
Ayon kay Ross Veridiano, isang dive instructor at kabilang sa mga nag-organisa ng 2nd coastal clean-up, naobserbahan nila ang pagdami ng mga lumalabas na bula sa bahagi ng Mainit Bubbles Dive simula noong isang linggo, kung saan naitala ng Phivolcs ang pagdami ng mga lumalabas na bula mula sa ilalim ng dagat.
Ayon pa kay Veridiano, nararanasan nila ang pagdami ng mga bula kapag tumitindi ang naitatalang antas ng pagkaligalig ng Bulkang Taal.
WATCH: Mga bula sa Mainit bubbles dive sites sa Mabini, Batangas dumami pa
Contributed video pic.twitter.com/cY77FFPiqz
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) July 6, 2021
Samantala, nilinaw ni Phivolcs Direrctor Renato Solidum Jr. na walang kinalaman dito ang paglakas ng bula mula sa dagat sa bahagi ng Mabini na ilang kilometro lang ang layo mula sa Taal lake.
Ang paglakas ng bula aniya ay maiuugnay sa naganap na serye ng maglindol sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.