Vaccination cards ng returning OFWs, iva-validate ng DOLE

By Angellic Jordan July 06, 2021 - 08:34 PM

Isasailalim sa validation ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang vaccination cards ng mga fully inoculated na returning overseas Filipino worker.

Alinsunod sa IATF Resolution No. 123-C, item no. 3(ii), sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang OFWs na fully vaccinated sa labas ng bansa ay kailangang mayroong opisyal na dokumento ng kumpletong vaccination o International Certificate of Vaccination na na-validate sa pamamagaitan ng POLO.

Maliban sa vaccination card o anumang dokumento na magsisilbing katibayan sa pagbabakuna, kailangan ding ipakita ng returning OFWs ang kanilang pasaporte o travel document at beripikadong employment contract sa POLO offices kung nasaang bansa sila.

Maaaring mag-apply para sa validation online sa pamamagitan ng ONEHEALTHPASS PORTAL na maa-access sa https://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/.

Sa ilalim ng DOLE Department Order No. 226 series of 2021, maikokonsidera ang OFWs na fully vaccinated makalipas ang dalawang linggo matapos maturukan ng second dose ng COVID-19 vaccine, o dalawang linggo matapos makatanggap ng single-dose vaccine.

Ang natanggap na bakuna ay dapat kabilang sa Emergency Use Authorization (EUA) List of Compassionate Special Permit na nilabas ng Philippine Food and Drug Administration o Emergency Use Listing ng World Health Organization.

TAGS: COVID-19 vaccination, DOLE, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Silvestre Bello III, COVID-19 vaccination, DOLE, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.