Sunog sa Navotas kagabi, umabot sa Task force Alpha…40 pamilya, nawalan ng tirahan

By Jong Manlapaz April 24, 2016 - 06:48 AM

fire-defaultUmabot sa task force alpha ang sunog na naganap sa isang residential area sa Barangay San Roque, Navotas City.

Ayon kay Fire Senior Insp. William Montera, bandang alas-10:45 kagabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Judge A. Roldan Street.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay dahil gawa ang mga ito sa kahoy at light materials.

Nagpahirap pa sa mga bumbero ang masikip na kalsada sa lugar at hindi kaagad nakapasok ang mga fire truck at dahil dito mabilis din naubusan ang mga ito ng suplay ng tubig.

Dakong 2:13 ng madaling nang maideklarang fire out ang sunog na tumupok sa halos 30 na bahay.

Tinatayang aabot sa 1.2 milyong piso ang halaga ng tinupok ng apoy habang isang residente ang nasugatan sa paa.

Nasa 40 pamilya naman ang nawalan ng tirahan na pansamantalang manunuluyan sa San Roque National High School habang wala pa silang malilipatang lugar.

Electrical overloading o jumper connection ang isa sa tinitignan dahilan ng BFP na dahilan ng sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.