BI inalerto ang mga dayuhan vs kumpanya na nag-aalok ng pekeng immigration service
Nagbabala ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan ukol sa kumakalat na dokumento mula sa isang kumpanya na naniningil umano ng pera para ipangbayad sa mga ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakakuha siya ng kopya ng naturang dokumento.
Nakalatag aniya sa dokumento ang mga kailangan umanong bayaran para sa immigration airport assistance.
“This company is allegedly charging P5,000 as Airport Assistance Fee, another P5,000 for processing fee, and P20,000 for a Department of Foreign Affairs (DFA) Invitation Letter,” pahayag ni Morente.
Dagdag nito, “It seems that this company is using the name of government agencies to be able to charge such high rates to its employees.”
Muling iginiit ni Morente na hindi sila nangongolekta ng anumang ‘immigration assistance’ fee mula sa mga dayuhan.
Dismayado naman ni Morente sa mga nagpapanggap na nagbibigay ng immigration assistance.
“It is disheartening to see reports of syndicates who are taking advantage of other people by using the name of government offices,” aniya.
Paalala sa publiko ni Morente, manatiling mapagmatyag sa mga ganitong klase aktibidad.
“Be wary of falling prey to these scammers. Immediately report to the authorities if you encounter such modus,” ani Morente.
Pinag-aaralan na aniyang magkasa ng legal action laban sa naturang kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.