DPWH, inayos na ang kalsada patungo sa industrial sites sa Misamis Oriental

By Angellic Jordan July 06, 2021 - 06:13 PM
DPWH photo

Madali nang mapupuntahan ang industrial sites sa Tagoloan, Misamis Oriental sa pamamagitan ng inayos na kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nakumpleto na ang 3.7-kilometer access road na patungo sa PHIVIDEC Industrial Authority sa nasabing lugar.

Umabot sa P60.3 milyon ang inilaang pondo para sa proyekto.

Sakop ng proyekto ang road opening earthworks, concreting ng pavement, line canal, at cross drains sa bahagi ng Sitio Dinugon sa Barangay Sta. Ana.

Ayon sa kagawaran, makatutulong ang proyekto para sa social at economic development ng bansa.

TAGS: BUILDBUILDBUILD, DPWH, InquirerNews, Konkreto2022, MarkVillar, RadyoInquirerNews, BUILDBUILDBUILD, DPWH, InquirerNews, Konkreto2022, MarkVillar, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.