Pagiging media predator ni Pangulong Duterte, walang basehan ayon sa Malakanyang

By Chona Yu July 06, 2021 - 02:47 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa ulat ng Reporters Without Borders na kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng world leaders na press freedom predators.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bereft of merit ang paratang ng Reporters Without Borders.

Kung tutuusin, ayon kay Roque, kung titingnan ang findings ng International Criminal Court prosecutor, lahat ng kino-quote sa kasi ay ang mga media na kritikal sa gobyerno.

Kinasuhan ng crime against humanity si Pangulong Duterte sa ICC dahil nauwi na umano sa madugong kampanya ang anti-drug war campaign.

Ayon kay Roque, patunay ito na buhay ang press freedom sa bansa.

Ibinida pa ni Roque na wala ni isang kasong libela ang isinampa ni Pangulong Duterte sa mga kagawad ng media.

“Absolutely bereft of merit. Kung titingnan ninyo po iyong findings ng ICC prosecutor, lahat po ng kinu-quote niya eh media na critical sa gobyerno. So that proves po that freedom of the press is alive and well in the Philippines, wala po ni isang kasong libelong sinampa ang Presidente, wala pong kahit sinong mamamahayag na napakulong ang Presidente,” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na walang basehan ang pagiging media predator ni Pangulong Duterte.

“At iyong mga issues na binabato nila kay Presidente – ABS-CBN, iyan po ay desisyon ng Kongreso at ang Rappler naman po ay sinabing lumabag sa Saligang Batas ng SEC na lahat po ay appointed pa ni dating Presidente Aquino. That’s part and parcel of course of the media groups advocacy to promote freer press pero wala po talagang basehan na media predator ang ating Presidente,” pahayag ni Roque.

Kahanay ng Pangulo sa pagiging media predator sina Russian President Vladimir Putin, Chinese President Xi Jinping, North Korean Leader Kim Jong-Un at iba pa.

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, reporters without borders, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, reporters without borders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.