2 mangingisda, nailigtas matapos lumubog ang bangka dahil sa ipo-ipo

PCG photo

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda matapos lumubog ang bangka sa Maasim, Sarangani.

Lumubog ang bangka ng mga mangingisda dulot ng ipo-ipo noong July 3.

Sinabi nina Jolo Sobiano, 30-anyos na sakay ng MBCA JIO; at Jovanie Aporto, 26-anyos na sakay ng MBCA HELENA, nagulat sila sa namuong ipo-ipo malapit sa katubigan kung saan sila nangingisda.

Mabilis naman ang pagresponde ng search and rescue (SAR) team ng Coast Guard Sub-Station Maasim.

Tumulong din ang tatlong mangingisda para mailigtas sina Sobiano at Aporto na mga residente ng Barangay Ladol, Alabel.

Inihatid ang mga mangingisda sa Barangay Tinoto sa bayan ng Maasim para mabigyan ng karagdagang tulong.

PCG photo

Read more...