Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4 milyon na

By Angellic Jordan July 06, 2021 - 01:58 PM

AFP photo

Lagpas apat na milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,000,841 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 621,335.

Sumunod na rito ang Brazil na may 525,229 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 403,310 naman ang death toll sa India habang 233,689 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 193,389
– Russia – 138,579
– United Kingdom – 128,231
– Italy – 127,680
– France – 111,197
– Colombia – 109,466
– Argentina – 96,521
– Germany – 91,595

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 184,939,383 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 169,314,997 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.