WHO pinagsabihan ng DOH na mag-ingat sa pagpapalabas ng COVID 19 updates

 

Pinagbilinan ng opisyal ng World Health Organization (WHO) ang Department of Health (DOH) na mag-ingat sa pagpapalabas ng mga pahayag kaugnay sa mga kaganapan na may kaugnayan sa COVID-19 pandemic.

Pinuna ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang WHO representative to the Philippines, ang lumabas na pahayag mula sa DOH na ang Pilipinas ay nasa ‘low risk classification’ na.

Diin ni Abeyasinghe nagpapatuloy ang banta ng COVID-19 sa bansa.

“Classifying any country as low-risk has implications. We are in a pandemic. The virus is everywhere and we are seeing countries experiencing surges. Are we at low risk of future COVID cases? No, we are not at low risk of future cases because this is a pandemic. We are dealing with a very delicate situation,” diin ng opisyal.

Kinakailangan aniya na mag-ingat ang DOH sa pagpapalabas ng anumang pahayag para hindi magbigay ng maling mensahe sa publiko at iwasan na maging kampante ang mga tao.

“I think we need to be more cautious. It is not costly to err on the side of caution. We need to be consistent in our messaging. The public needs to be aware that the risk remains, they need to follow the protocols, they need to follow the minimum health standards,” dagdag pa ni Abeyasinghe

Read more...