2 Saudi nationals na gumahasa sa Pinay overseas worker pinakakasuhan ng DOLE

By Jan Escosio July 06, 2021 - 01:09 PM

Pinakilos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, Saudi Arabia para ma-aksiyonan ang panggagahasa sa isang Filipina ng isang may-ari ng recruitment agency.

Sa kanyang memorandum kay Labor Attaché Fidel Macauyag, ibinilin ni Bello na makipagtulungan ito sa mga awtoridad sa Saudi Arabia upang makagawa ng mga legal na hakbang laban kay Meshail Mabrook al Bassani al Qahtani.

Si al Qahtani ang may ari ng Home Comfort Recruitment and Manpower Services at itinuturong unang nanghalay sa Filipina na itinago sa pangalang Chanda.

Nabatid na bago nakabalik ng Pilipinas si Chanda ay ginahasa din siya ng kanyang amo na nakilalang si Abdulaziz Ahlas.

Ayon kay Bello bagamat walang maisasampang kaso sa korte sa Pilipinas maari naman suspindihin ang accreditation ng recruitment agency sa POLO.

TAGS: Abdulaziz Ahlas, ginahasa, Labor Secretary Silvestre Bello III, Meshail Mabrook al Bassani al Qahtani, pinay, saudi arabia, Abdulaziz Ahlas, ginahasa, Labor Secretary Silvestre Bello III, Meshail Mabrook al Bassani al Qahtani, pinay, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.