Wala pang Lambda strain ng coronavirus sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hanggang ngayon ay wala pang nade-detect ang kagawaran ng bagong variant ng COVID-19.
Unang na-detect ang Lambda strain sa Peru noong December 2020.
Ayon kay Vergeire, base sa pag-aaral ng World Health Organization, maituturing na variant of interest ang Lambda.
Maihahalintulad ang Lambda variant sa Delta variant na nagsimula sa India na mas mapanganib na uri ng COVId-19.
Ayon kay Vergeire, bagama’t wala pang naitatalang kaso ng Lambda variant sa bansa, mahigpit na border control na ang kailangang ipatupad para sa mga biyaherong pumapasok sa Pilipinas.
Aabot sa 30 bansa na ang nakapagtala ng Lambda variant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.