Pito sa 49 na nasawing sundalo sa bumagsak na C-130 sa Sulu natukoy na

Nakilala na ang pito sa 49 na nasawing sundalo sa bumagsak na C-130 flight sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines chief of staff Cirilito Sobejana, nahihirapan ang mga imbestigador na makilala ang mga nasawi dahil sa mga sunog ang katawan.

Ayon kay Sobejana, ang DNA at dental records ang pagbabatayan ng mga imbestigador para makilala ang mga nasawi.

Bukod sa 49 na sundalo, tatlong sibilyan ang nasawi.

Personal na binisita kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasawi at mga nasugatang sundalo sa Zamboanga.

 

 

Read more...